Duterte PRRD digong
-- Advertisements --

Pinuri ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagdinig ng House committee on good government and public accountability kahapon hinggil sa kontrobersyal na personal protective equipment (PPEs) na binili ng pamahalaan sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Sa kanyang pre-recorded Talk to the People address na inere kaninang umaga, sinabi ni Duterte na sa pagdinig sa Kamara ay nabigyan ng “fair chance” ang mga witnesses at resource persons na makapagsalita.

Malayo aniya ito sa kung paano isinasagawa ang pagdinig sa Senate Blue Ribbon Committee sa ilalim ng pamumuno ni Sen. Richard Gordon.

Iginiit ni Duterte na malinaw sa sinabi ni Commission on Audit Michel Aguinaldo na hindi totoo ang paratang ng ilang mga senador na mayroong overpricing at ghost deliveries sa mga biniling PPEs.

Hirit pa ni Duterte, kailanman ay hindi matatapos ang pagdinig ng Senado sa usapin na ito lalo na dahil kay Gordon, na  tinawag pa nitong “pathological storyteller”.

-- Advertisement --

Samantala, sinabi rin ni Duterte na aatasan niya si Solicitor General Jose Calida na hilingin sa COA na magsagawa ng audit sa Philippine Red Cross, kung saan chairman din si Gordon.

Ayon kay Duterte, may korapsyon sa Philippine Red Cross at ito raw ang ginagatasan Gordon.