-- Advertisements --

House leader sa botohan sa ABS-CBN franchise: Wala pang schedule

Wala pang nakatakdang schedule para sa botohan na mangyayari sa prangkisa ng ABS-CBN, ayon kay House Committee on Legislative Franchises chairman Franz Alvarez.

Sa isang panayam, sinabi ni Alvarez na magkakaroon muna ng summation sa mga kaganapan sa mga nagdaang pagdinig bago pagbotohan ang franchise bills ng ABS-CBN.

Sa kasalukuya, 12 pagdinig na ang isinagawa ng komite ni Alvarez, katuwang ang House committee on good government and public accountability, hinggil sa iba’t ibang issue na ibinabato laban sa Lopez-led broadcast company.

Bagama’t joint hearing ito, tanging ang 46 miyembro lang ng legislative franchise committee, pati na rin ang 44 House officials na maituturing ex officio members, ang maaring makapagboto sa naturang panukala.