Hotshots 1
-- Advertisements --

Napigilan ng Magnolia Hotshots na makuha ng TNT ang 3-0 na bentahe sa 2021 PBA Philippine Cup Finals.

Naitala kasi ng Magnolia ang unang panalo 106-98 sa laro na ginanap sa DHVSU Gym sa Bacoor, Pampanga.

Bumida sa panalo ng Magnolia si Paul Lee na nagtala ng 21 points.

Nag-ambag naman ng 20 points, pitong rebounds, limang assists at apat na blocks si Ian Sangalang habang mayroong 16 points si Mark Barroca at 14 points naman si Calvin Abueva.

Mula sa simula ng laro ay naging agresibo na ang Magnolia hanggang nailapit ng TNT ang laro 98-95 sa natitirang 1:11 ng last quarter.

-- Advertisement --

Sinabi ni Magnolia coach Chito Victolero na naging matindi lamang ang isinagawang depensa nila kaya napigilan nila ang TNT.

Nasayang naman ang naitalang PBA Finals record si Mikey Williams na nagtala ng 10 triples at nagtapos ng 39- points.