SECURITY GREENHILLS

Nag-iwan na ng isang sugatan habang nasa 30 ang bihag ng dating security guard sa Greenhills, San Juan, simula kaninang alas-10:00 ng umaga.

Ayon kay San Juan Mayor Francis Zamora, may itinalaga ng negotiator ang Philippine National Police para makipag-usap sa suspek na umano’y tinanggal sa puwesto.

-- Advertisement --

Tumanggi naman ang alkalde na pangalanan ang suspek na armado ng baril at umano’y granada.

Sinasabing may demands ang hostage taker na nais nitong kausapin ang kaniyang mga kapwa guwardiya at maging mga miyembro ng media.

Humiling na rin ito ng pagkain.

Siniguro ni Zamora na gagawin nila ang lahat para maging maayos at mapayapa na matapos ang hostage taking incident.

Kasama nito si National Capital Region Police Office chief M/Gen. Debold Sinas kung saan nag-establish na rin sila ng command center sa second Floor ng V mall kung saan nagaganap ang hostage taking incident.

Apela naman ni Zamora sa publiko na kung maaari ay iwasan muna ang area ng Greenhills dahil naka-lockdown pa ito ito.

Samantala, stable na ang kondisyon ng sugatang biktima na ginagamot na sa ospital.

gREENHILL SAN JUAN HOSTAGE