Ipinapa-quarantine ng Hong Kong authorities ang alagang hayop ng kanilang mga residente matapos maulat ang kaso ng isang aso na nag-positibo umano sa COVID-19.

Ito ang kauna-unahang kaso sa buong mundo na pati ang mga alagang hayop ay ipapasailalim sa quarantine dahil sa outbreak ng sakit na unang kumalat sa mga tao.

Wala naman daw nakitang relevant symptoms ng sakit sa nasabing aso na nag-positibo, pero tuloy pa rin daw ang 14-day quarantine nito.

Ayon sa tagapagsalita ng Hong Kong government, “weak positive” ang resulta ng test na ginawa sa nasal at oral cavity samples ng naturang aso.

Natukoy na ang nasabing alagang hayop ay mula sa isang 60-anyos na babaeng nag-positibo rin sa COVID-19.

Sa ngayon wala pa raw scientific basis ang tranmission ng human virus sa mga domestic animals gaya ng aso at pusa.

Pero nanindigan ang pamahalaan ng Hong Kong sa pagpapa-quarantine ng alagang hayop ng mga infected na residente.