-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO–Personal na inabot ni Kidapawan City Mayor Joseph Evangelista ang limang libong pisong pabuya kay Fernan Madalo, isang tricycle driver na nagsauli ng mahigit sa Php20,000 sa kanyang pasahero.

Inabot ng alkalde ang pabuya sa tsuper sa kanyang tanggapan sa City Hall.

Dapat umanong tularan ng lahat ang magandang halimbawang ipinakita ni Madalo, wika pa ni Mayor Evangelista lalo pa at dapat nagbabayanihan ang lahat na apektado ng Covid19 pandemic sa kasalukuyan.

Matatandaang isinauli ni Madalo ang perang naiwan ni Mrs. Alma Ma noong June 11, 2020 na kanyang pasahero sa tricycle.

Sumakay ang ginang sa tricycle with KD number 8-2501 ng tsuper mula Cotabato Provincial Hospital papuntang sakayan ng van patungo sa Kidapawan City.

-- Advertisement --

Din sinadyang makalimutan ng ginang ang perang inambag-ambag ng kanyang mga kaanak para maipagamot ang kanilang kapatid sa naturang pasilidad.

Nireport naman ni Madalo ang perang kanyang nakita sa loob ng kanyang tricycle sa City PNP kung saan ay doon na sila nagpang-abot ni Ginang Ma.

Abot langit naman ang pasasalamat ng ginang sa tsuper at binigyan niya ito ng pabuya matapos silang mag-usap.