Nagpositibo sa coronavirus si Honduras President Juan Orlando Hernandez at asawa nito.

Inanunsiyo mismo ni Hernandez ang resulta ng pagsusuri sa kaniya matapos na makaramdam ng hindi discomfort.

Sinabi nito na bahagi ng kaniyang trabaho ang pagiging lapitin ng nasabing sakit.

Ibinahagi pa nito na naging magaan lamang ang sintomas na kaniyang naramdaman.

Nagsimula na itong gumamit ng “MAIZ treatment” o microdacyn, azithromycin, ivermectin and zinc.
Kasamang nadapuan ng virus ang dalawa nilang trabahador.