Aasa sa tinatawag na home court advantage ang team Pilipinas sa rowing event na ginaganap sa Subic.

Tatangkain kasi ngayon ng Philippine rowing team na maulit ang pagdomina kahapon matapos manalo ng dalawa sa tatlong gintong medalya ang koponan..

Ayon sa kanilang head coach na si Edgardo Mayrena, malaking bagay ang pagpayag sa kanila na mag-training ng mas maaga kaya nakapaghanda rin sila ng husto sa Subic.

November pa raw kasi ng sila ay lumipat sa Subic para mag-training.

Gaganapin ang day 2 ng rowing event ngayong araw ung saan tatlong gintong medalya ulit ang paglalabanan. (Report by Bombo Badz Agtalao)