Reading Time: 1 minute

BAGUIO CITY – Nagluluksa ang buong showbiz community sa Hollywood sa pagkamatay ng Disney actor na si Cameron Boyce.

Kasalukuyan pa lang iniimbestigahan ang dahilan ng kaniyang biglaang pagkamatay.

Kabilang sa mga nagpaabot ng kanilang pagdadalamhati ay sina Grayson Dolan at Brent Rivera na kasabayan ni Boyce bilang mga child actor.

Sa post ng mga aktor sa kanilang Twiiter accounts, sila ay lubos na nalungkot sa madaliang pagpanaw ng 20-year-old star.

“So saddened to hear about the passing of such a young talented individual. I didn’t know him personally but he seemed like a great person. RIP Cameron Boyce. Some things don’t seem fair.. this pains me” wika ni Dolan.

“So sad to hear about the passing of Cameron Boyce. Such a young and talented individual who inspired me starting out.. rest in paradise brother,” saad ni Rivera.

Bumida si Cameron Boyce bilang Carlos sa Disney film na “Descendants” at nakasama niya rin si Adam Sandler sa pelikulang “Grown ups.”