-- Advertisements --

LAOAG CITY – Patay ang isang lalaki matapos ang nagyaring aksidente sa Paoay-Balacad road partikular sa boundary ng Barangay Nagbacalan at Barangay Mumulaan sa bayan ng Paoay.

Ang hindi na pinangalanang biktima ay 30-anyos, isang hollow block maker at residente sa Barangay 2, San Roque sa naturang bayan.

Sa imbestigasyon ng mga otoridad, patungong hilagang direksyon ang biktima na nakasakay sa kanyang TMX 125 at nang nakarating sa kurbang bahagi ng kalsada ay na-overshoot napunta sa buhangin na nasa gilid dahilan para ma-slide at bumaliktad ito at tumilapon sa layong 30 metro kung saan tumama ang ulo sa kalsada.

Lumalabas na ang helmet ng biktima ay nasa box na nasa likod ng kanyang motorsiklo.

Sa ngayon ay patuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad para malaman kung saan nanggaling ang biktima.

-- Advertisement --