DAVAO CITY – Nanawagan ngayon ang Department of Health (DOH-11) sa publiko lalo na sa mga aktibo sa pakikipagtalik na sumailalim sa HIV test dahil sa patuloy na pag-akyat ng bilang ng mga nahawaan ng nasabing sakit.

Ayon pa kay Maria Theresita Requillo, program manager ng DOH-11, sa nakaraang buwan ng Pebrero nitong taon aabot na sa 39 ang bagong naitalang nahawaan ng HIV sa lungsod.

Nilinaw ng opisyal na hindi lamang sa Davao tumataas ang kaso ng HIV ngunit sa buong bansa.

Dahil dito, kailangan ngayon ng ahensiya ang massive information sa publiko para malaman ang mga paraan kung paano maiiwasan ang nasabing sakit.