Binigyang-diin ng Malacañang na huli na para i-realign ang P389 million pondo sa Manila Bay rehabilitation project.
Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, nasimulan na ang proyekto kaya kinakailangan na tapusin na ito at malabo ng i-divert pa ang nakalaang pondo.
Una ng binabatikos ang Department of Environment and natural Resources (DENR) sa paglalagay ng artificial white sand sa Manila Bay dahil sa may kinakaharap pa na COVID-19 pandemic ang bansa.
“Nasimulan na po ‘yan, eh so kinakailangan tapusin na po ‘yan. Ang mga nare-realign eh yung mga hindi pa po nagsisimulang mga proyekto. Yung budget po kasi diyan, hindi lang kasi siya budget, actually, for the beach nourishment. It’s actually for the entire program of government in rehabilitating Manila Bay,” ani Sec. Roque.
Inihayag pa ni Sec. Roque na dalawang taon nang ipinapanukala ng DENR na pondohan ang pagpapaganda sa Manila Bay.
“As I said, itong project na ito was proposed two years ago, included in last year’s budget and only being implemented now.”
















