Maaaring mahirapan ang maliliit na negosyo sa inihihirit na P100 taas-sahod sa pribadong sektor ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE).
Base kay DOLE Sec. Bienvenido Laguesma maaaring magresulta sa 15 hanggang 25% na pagtaas sa bawat sahod ng mga empleyado ang hirit na P100 wage hike maliban pa sa sahod may kinalaman sa mga benepisyo batay sa datos mula sa national Wages and Productivity Commission.
Paliwanag nito na medyo may kabigatan ito dahil mula sa humigit-kumulang 1 million na nakarehistrong mga negosyo, mahigit 900,000 ang nakakategorya bilang micro, small at medium enterprises.
Kayat sa parte ng DOLE, may pangangailangan aniya na pag-aralan
ng ahensiya kung paano maprepreserba ang employment ng mga manggagawa gayundin ang patuloy na paglikha pa ng karagdagang mga trabaho.
Kailangan din na matulungan ang maliliit na negosyo kasunod ng pagtama ng COVID-19 pandemic.
Una rito, inihain na sa Senado ang panukalang naglalayong mataasan ng P100 arawang sahod ng mga manggagawa sa pribadong sektor.