-- Advertisements --

Naghahanda pa rin daw ang South Korea sa posibilidad na muling dumami ang bilang ng mga nagpo-positibo sa COVID-19 sa kanilang bansa.

Ito ang sinabi ni Vice Pres. Leni Robredo matapos sumali sa web seminar kasama ang limang South Korean experts.

Ayon sa pangalawang pangulo, maganda ang outlook ng South Korean government ngayon na nananatiling naka-alerto sa kabila ng magandang feedback na kanilang natatanggap dahil sa epektibong response sa pandemic.

“There is no room for complacency and self-congratulations when people are still dying.”

Tinitiyak daw ng South Korea na sapat ang kapasidad ng kanilang mga ospital at mismong healthcare system.

Batid kasi ng kanilang mga opisyal na tataas ang bilang ng mga namamatay kung wala ang ganitong paghahanda.

“Their early success can also be attributed to their policy of mass testing, aggressive contact tracing and isolation, creative use of IT, and prioritising care for their health frontliners.”

Bukod kay VP Leni, kasali rin sa dalawang oras na seminar ang ilang health at hospital officials.

“Thank you very much to South Korean Ambassador to the Philippines Dong Man Han and First Secretary Seah Park.”

Inanunsyo naman daw ng South Korean ambassador na nangako ang kanilang pamahalaan na magdo-donate ng may katumbas na $500,000 test kits sa Pilipinas.

Sa huling datos mula Department of Health umabot na sa 4,076 ang COVID-19 cases sa bansa.

Ang mga namatay naman ay pumalo na sa 203 ang bilang, habang ang recoveries ay nasa 124.