NAGA CITY – Pinabulaanan ng Departement of Interior and Local Government (DILG) na pulitika ang dahilan ng pagkakadawit ni police Lt/Col. Jovie Espenido sa mga tinaguriang “narcolist.”

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga sinabi ni Usec. Jonathan Malaya na kaya napasama sa listahan si Espenido ay dahil sa impormasyong nanggaling sa isang intelligence report ng kanilang ahensya.

Ayon kay Malaya, posibleng galing ang impormasyon sa Philippine Drug Enforcement Agency o National Intelligence Coordinating Agency.

Hindi naman daw masisisi ng ahensya si Espenido kung nagpumilit itong humarap sa media habang nasa gitna ng adjudication process dahil bilang mamamayan ay karapatan nitong idepensa ang kanyang sarili.

Ani Malaya nasa presidente pa rin ang magiging desisyson sa mga pangalan na kasama sa narcolist kung aaprubahan o hindi matapos ang isinagawang adjudication process.

-- Advertisement --