ILOILO CITY – Arestado ang mag-ina sa Ungka, Pavia, Iloilo sa isinagawang drug buy bust operation kung saan nakuha ang 11 mga maliliit at dalawang malalaking plastic sachet na pinaniniwalaang iligal na droga.

Ang mag ina ay sina Jennifer Abantao Nosotros at anak nito na si John Rey, residente ng Barangay Buntatala, Jaro, Iloilo City.

-- Advertisement --

Mahigit P6 million ang halaga ng mga nakumpiskang suspected shabu sa mag-na.

Maliban dito, nakuha din ng mga pulis ng Pavia Municipal Police Station ang P75,000 na buy bust money.

Samantala, pinasalamatan naman ni Pavia, Iloilo Mayor Luigi Gorriceta ang Philippine National Police sa naging matagumpay na operasyon na nagresulta sa pagka-aresto ng mag ina.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Mayor Gorriceta, sinabi nito na ito’y bunga ng pagkakaisa ng mga otoridad at ang ginagawang intelligence monitoring.

Nananawagan ang alkalde sa mga high value targets na huwag ng ipagpatuloy ang iligal na aktibidad.