SHABU BUST BULACAN

Nasa 756 kilos ng iligal na droga ang nakumpiska sa tatlong drug personalities ng mga tauhan ng PNP Drug Enforcement Group kasama ang Bulacan Police Provincial Office sa isinagawang drug buy bust operation sa Barangay Lias, Marilao, Bulacan kanina.

Kinilala ang tatlong drug suspek na sina Yuwen Cai, isang Chinese national at mga Pinoy na sina Angela Miole Tulio at Ma. Lyn Miole Tulio.

pnp chief archie gamboa shabu raid 1
PNP chief Gen. Archie Francisco Gamboa

Sa report ng PNP, dakong alas-3:00 ng hapon nitong Huwebes nang isagawa ang operasyon kung saan nakuha sa tatlong suspeks ang umaabot sa 63 na kahon na naglalaman ng 756 kilos ng shabu na may katumbas sa halagang P5.1 billion.

Narekober naman ng mga pulis ang buy bust boodle money na P1 million.

Agad naman tumungo sa area si PNP chief General Archie Francisco Gamboa para mismong makita ang sandamakmak na droga.

Gayundin ang bagong hepe ng PDEA Wilkins Villanueva.