Tinatayang nasa P321,000 halaga ng hinihinalang cocaine at party drugs ang nasabat ng Manila Police sa ikinasang buy-bust sa Quezon City, Sabado ng gabi.

Arestado ang isang bank teller at ang kanyang kasamang driver sa isang gasolinahan sa Katipunan Avenue sa Quezon City.

Ayon sa Manila Police District (MPD), umorder sa social media ang isang pulis na nagpanggap na buyer ng P20,000 halaga ng ecstasy sa mga inaresto.

Nakuha sa mga suspek ang nasa 208 tableta ng hinihinalang ecstasy at dalawang pakete ng cocaine.