Kinuwestiyon ni ACT Teachers party-list Rep. France Castro ang paglaki ng pondo ng Office of the President (OP) para sa kanilang travel expenses sa ilalim ng fiscal year 2022.
Sa kanilang plenary deliberations, pinuna ni ACT Teachers party-list Rep. France Castro ang pagtaas ng alokasyon para sa travel funds ng OP sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Nakasaad sa 2022 National Expenditure Program na ang alokasyon para sa travel expenses ng OP ay tumaas sa P314.372 million mula sa P283.330 millionbudget ngayong 2021.
Ayon sa sponsor ng budget ng OP na si Zamboanga del Norte Rep. Romeo Jalosjos, tumaas ang travel funds na ito dahil sa 2022 balak ituloy ang mga nakanselang biyahe ngayong 2021 dahil sa pandemya.
Ang OP ay mayroong proposed P8.2 billion na budget para sa susunod na taon.
Sa naturang halaga, kabuuang P4.5 billion ang mapupunta sa confidential at intelligence funds, na kinuwestiyon na rin ng ilang beses ng ilang mga mambabatas.