ZAMBOANGA CITY – Umabot sa humigit kumulang P236,000 NA halaga ng shabu ang nakumpiska ng mga otoridad sa ginawang drug buy bust sa magkahiwalay na operasyon dito sa Zamboanga City.

Sa nakalap na impormasyon ng Star FM Zamboanga, sa Barangay Kasanyangan partikular na sa Asinan, Zamboanga City ay nahuli na mga otoridad ang isang babae 50 taong gulang na isang tulak ng droga umano at nakuha sa kanyang position ang humigit kumulang P100,000 na halaga ng shabu kahapon.

Sa kaparehong araw naman, inaresto ng mga otoridad ang isang binata, 30 taong gulang na isang tulak droga rin umano.

Ang naturang drug pusher ay nakatira sa Tambucho, Camino Nuevo, sa lungsod ng Zamboanga.

Nasabat sa kanyang posisyon ang apat na pakete ng pinaghihinalaang shabu na may market value na P136,000.

Samantala, sasampahan na ng kaso ang mga naturang suspek na may kinalaman sa iligal na droga.