-- Advertisements --

ILOILO CITY – Umaabot sa higit dalawang milyong piso na halaga ng shabu ang narekober sa isang high value individual (HVI) sa drug buy bust operation sa Montero Village, Brgy. Igang, Pototan, Iloilo kagab-i.

Ang arestado ay si Ryan Ace Jallorina, alias “Cas”, 41, residente ng Escarios St. Brgy. San Jose, Pototan.

Sa panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Police Lt. Col. Arnel Solis, spokesperson ng Police Regional Office 6, sinabi nito na nahuli si Jallorina sa pinasanib na pwersa ng Regional Police Drug Enforcement Unit at Pototan Municipal Police Station.

Nakuha sa posisyon ni Jallorina ang 49 na sachet ng suspected shabu at dalawa pang malalaking plastic bag na may laman rin na illegal na droga.

Tinatayang 350 grams ng shabu na may standard drug price nga Php 2.3 million ang nakuha kay Jallorina.

Sa ngayon nakakulang na si Jallorina sa Pototan Municipal Police Station at nahaharap sa kasong paglabag sa Section 10 at 11 ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2022.