CENTRAL MINDANAO – Abot sa P2,115,028 ang naitalang danyos ng Municipal Agriculture Office (MAO) sa Pikit, Cotabato matapos manalasa ang mga pesteng daga sa ilang mga palayan sa bayan.

Batay ito sa latest damage assessment report ng nasabing tanggapan.

-- Advertisement --

Matinding naapektuhan ng mga pesteng daga ang Brgy. Dalingaoen at Panicupan kung saan halos 40-ektarya ng palayan ang apektado.

Ayon pa sa MAO, nasa 23 mga magsasaka ang apektado din nito.

Kasalukuyang nagpapatuloy ang ginagawang monitoring at validation ng MAO sa iba pang barangay sa bayan na posibleng naapektuhan din ng mga pesteng daga.