Pampanga1

Nasa P2.5 million halaga ng hinihinalang marijuana ang nakumpiska ng mga pulis sa buy-bust operation sa Angeles City, Pampanga kahapon.

-- Advertisement --


Sa ulat ni Regional Police Director 3, BGen. Valeriano De Leon kay PNP Chief Gen. Debold Sinas, dalawa ang naaresto sa operasyon sa Barangay Balibago na kinilalang sina Benhur Buenaventura at isang Marion Raymundo.

Ayon kay De Leon, ang dalawang naarestong suspek ay mga tinaguriang high value target.

Nakuha mula sa kanila ang 22 plastics ng mga pinatuyong dahon ng marijuana na 20 kilo ang bigat.

Nahaharap ang mga suspek sa reklamong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive and Dangerous Drugs Act of 2002.