-- Advertisements --

Aabot sa 682,360 doses ng Moderna COVID-19 (Coronavirus Disease 2019) vaccines na binili ng pamahalaan ang dumating ngayong umaga sa Pilipinas.

Ang mga Moderna doses na ito ay dumating sa bansa, dalawang araw matapos na inanunsyo ng pamahalaan na maaari nang maturukan ng booster doses ang mga senior citizens na nabakunahan anim na buwan na ang nakararaan.

Bago ang mga senior citizens, inaprubahan din ng gobyerno ang pagbibigay ng booster shots sa nasa 1.7 million health workers ngayong buwan.

Sa ngayon, humigit kumulang 32 million Pilipino na ang fully vaccinated kontra COVID-19, ayon kay acting presidential spokesperson Karlo Nograles.

Pero ang bilang na ito ay malayo pa sa target na mabakunahan ang 80 percent ng 109 million population ng bansa pagsapit ng Mayo 9, 2022.