IMG 20190920 141516

Nakatakda na raw i-release ng Bureau of Corrections (BuCor) ang 52 sumukong dating inmates na sinasabing nakinabang sa good conduct time allowance (GCTA).

Ayon kay Department of Justice (DoJ) Usec. at Spokesman Markk Perete, pinoproseso na nila ang release ng 52 inmates na sumailalim sa verification.

Kaninang hapon ay muling nagsagawa ng pagpupulong ang DoJ-BuCor Joint Task Force para sa deliberasyon ng mga kaso ng mga dating inmates na lumaya na.

Maalang sumobra ang bilang ng mga sumukong persons deprived of liberty (PDL) matapos ipag-utos ng Pangulong Rodrigo Duterte.

Paliwanag ng DoJ, may mga sumuko kasing dating inmate na hindi naman nakinabang sa GCTA at may mga sumukong hindi naman nakagawa ng heinous crime.