-- Advertisements --

ILOILO CITY – Nakatakdang dumating ngayong araw sa lungsod ng Iloilo ang mahigit 400 na mga repatriated overseas Filipino workers mula sa Metro Manila.

Sa ekslusibong panayam ng Bombo Radyo kay Iloilo City Mayor Jerry Treñas sinabi nito na kaagad na isasailalim sa real-time reverse transcription–polymerase chain reaction test ang mga repatriates pagdating sa lungsod.

Ang magne-negatibo sa test ay maaaring isailalim na lang sa home quarantine at ang mga naghihintay pa ng result ay pansamantalang ilalagay sa mga quarantine facilities.

Ani Treñas, halos 5,000 ang hotel rooms sa lungsod ng Iloilo at nakahanda ito para sa mga uuwing OFWs na sasailalim sa mandatory 14-day quarantine.