-- Advertisements --

ILOILO CITY – Labis na ikinalulungkot ng Iloilo City government ang patuloy na pagtaas ng kaso ng mga pari na nahawaan ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Archdioce of Jaro.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Iloilo City Mayor Jerry TreƱas, sinabi nito na umaabot na sa 43 mga pari ang nahawaan ng COVID-19 sa lungsod.

Sa nasabing bilang, walo na ang namatay at pito naman ang naka-confine sa ospital.

Napag-alaman na sa mga namatay, anim ang hindi nabakunahan, dalawa- ang fully immunized ngunit isa sa kanila ay nakaranas ng diabetic coma.