Ph locator maguindanao cotabato
map

KORONADAL CITY – Umakyat pa sa mahigit 300 mga pamilya ang lumikas at nananatili ngayon sa evacuation center dahil sa nagpapatuloy na engkwentro ng military at teroristang grupo sa hangganan ng North Cotabato at Maguindanao.

Ayon sa 6th ID Kampilan Division, pinaigting pa ng Joint Task Force Central ang pagtugis sa mga terorista kung saan target ng surgical strike ang grupo ni Shiek Esmail Abdulmalik alyas Kumander Abu Toraife ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters o BIFF-ISIS Inspired Group.

Maliban sa grupo ni Toraife ay tinutugis rin ng militar ang anim na mga dayuhang terorista na kinakanlong ng BIFF.

Tuloy pa rin ang air to ground assault ng militar sa Liguasan Delta at SPMS Box sa Maguindanao.

Sa ngayon, nasa 13 mga miembro ng BIFF na rin ang nasawi, marami sa mga ito ang sugatan at isang sundalo naman ang binawian ng buhay.

Naghihintay naman ng dagdag na tulong mula sa provincial government ng Maguindanao provincial ang mga pamilyang nagsilikas.