ILOILO CITY – Kinumpirma ng Philippine National Police (PNP) na may higit 300 mga drug personalities ang patuloy pa rin sa kanilang operasyon sa buong Western Visayas.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Brig. Gen. Rene Pamuspusan, director sang Police Regional Office-6, sinabi nito ayon sa kanilang intelligence report, umaabot sa 374 ang mga drug personalities sa rehiyon kung saan ito ay kinabibilangan ng mga high value target at watch listed.

Ayon kay Pamuspusan, mayroon din silang mga politiko na minamanmanan na may kaugnayan din umano sa iligal na droga.

Sa ngayon nananatili pa ring top drug target sa rehiyon si Ernesto “Erning” Bolivar, 41, ng Pototan, Iloilo na sa ngayon ay patuloy na tinutugis ng mga otoridad.

Sa pinakahuling bilang umaabot na sa 225 ang mga nahuling drug personalities sa buwan pa lang ng Hulyo.