Kabuuang 274,231 violators ang naitala sa National Capital Region mula nang maipatupad ang Alert Level 4 hanggang kahapon, Oktubre 11, base sa datos mula sa PNP.
Sa isang update, sinabi ng PNP na 9,060 violators ang bagong naitala.
Ang average daily number ng mga lumalabag sa protocols mula noong Setyembre 16 hanggang Oktubre 11 ay 10,547.
Nasa 53 percent ng mga violators ang binalaan, 40 percent ang pinagmulta, 6 percent ang pinatawan ng sanctions, ayon sa PNP.
Mula sa kabuuang bilang, 192,900 violators ang lumabag sa minimum public health standards sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Para naman sa mga lumabag sa curfew, kabuuang 78,517 ang bilang.
Nasa 2,814 naman na hindi authorized persons outside residence (APORs) ang nahuling gumagala sa labas.
Simula noong Setyembre 16 hanggang Oktubre 15, ang NCR ay nasa ilalim ng Alert Level 4.