DAVAO CITY – Dumating na sa lungsod ang ikalawang batch ng Sinovac COVID-19 vaccine na ipinadala ng national government.

Dakong alas6:30 ng umaga nang dumating sa Davao International Airport ang mga bakuna, na idiniretso naman sa Department of Health (DOH). 

Sinasabing nasa 21,600 doses ng bakuna ang ang dumating nitong araw.

Kung maalala, nasa 12,000 doses ng Sinovac ang unang dumating sa siyudad kamakailan.

Kasalukuyang nasa cold storage ng Southern Philippines Medical Center (SPMC) ang mga bakunang ito.

-- Advertisement --

Una nang sinabi ni Mayor Inday Sara Duterte-Carpio na handa ang lungsod sa isasagawang pagbakuna sa mga health care workers at iba pang kabilang sa mga first batch ng babakunahan bukas.