-- Advertisements --

ILOILO CITY – Umaabot sa higit 20 ang sugatan matapos natumba sa daan ang modernized jeepney na ‘Libre Sakay’ sa Baguingin, Tigbauan, Iloilo.

Ito ay may byahe Tigbauan-Iloilo City and vice versa.

Sa panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Police Lt. May Jane Panes, hepe ng Tigbauan Municipal Police Station, sinabi nito na nagmula ang modernized jeepney sa Tigbauan at papunta na sana sa lloilo City ng mangyari ang aksidente.

Anya, nahulog ang malaking sanga ng kahoy sa windshield ng mini bus hanggang sa nawalan ng kontrol ang drayber sa manebela.

Kaagad namang dinala sa ospital ang mga sugatan na kinabibilangan ng 19 na mga pasahero, isang konduktor at maging ang driver.