Covidvaccine
-- Advertisements --

Nasa 1,407 PNP Health personnel ang nabakunahan na laban sa Covid 19.

Ito ang iniulat ni PNP Deputy Chief for Administration at Administrative Support to Covid 19 Operations Task Force (ASCOTF) Commander PLt. Gen. Guillermo Eleazar.


Ito’y matapos na mabakunahan kahapon ang 61 tauhan ng PNP sa Police Regional Office (PRO) -CARAGA; 5 sa PRO-4B; 16 sa PRO-Cordillera; at 38 sa PRO-BAR.


Habang 40 naman ang nabakunahan sa PRO 2; at 51 sa PRO-Cordillera kamakalawa.

-- Advertisement --


Ang mga ito ay nadagdag sa unang 1,196 na tauhan ng PNP sa Metro Manila na tinurukan mula sa inisyal na batch na 1,200 dose ng sinovac vaccine na natanggap nila.


Ayon kay Eleazar, wala pang nakukuhang bagong supply ng bakuna ang PNP,
at ang mga tauhan nilang nabakunahan sa mga lalawigan ay tinurukan ng Sinovac vaccine mula sa alokasyon ng Department of Health para sa mga frontline health workers.


Wala pa aniyang abiso mula sa DOH kung kailan makakatanggap ang PNP ng panibagong supply ng bakuna.


Samantala, umakyat na sa 752 kahapon ang bilang ng aktibong kaso ng Covid 19 sa PNP mula sa 671 kamakalawa.

Ito’y matapos na makapagtala ang PNP Health Service ng 24 na

recoveries at 105 bagong kaso ng Covid 19 sa hanay ng PNP kahapon.


77 sa mga bagong kaso ang mula sa mga Police Regional Office; 14 sa National Operational Support Units; at tig-7 sa National Administrative Units at National Headquarters.


Sa ngayon ay nasa 12,001 na ang tauhan ng PNP na tinamaan ng Covid 19, kung saan 11,217 ang ang naka-rekober at 32 ang nasawi.


Pinakahuling nag-positibo sa virus ang mismong PNP Chief, PGen. Debold Sinas, na asymptomatic at kasalukuyang naka-quarantine sa Kiangan Treatment Facility sa Camp Crame.