Sumailalim na sa Commando Course ang nasa 1,183 na mga bagong recruits ng PNP-Special Action Force (SAF).

Isang seremonya ang ginanap sa Camp Bagong Diwa, Bicutan Taguig City nitong Miyerkules.

Ayon kay S/Insp. Jett Ho, tagapagsalita ng PNP-SAF, sasalang sa anim hanggang walong buwan na training ang bagong batch ng mga SAF troopers.

Sinabi ni Ho na ang batch na ito ang siyang kukumpleto sa limang battalion ng mga SAF troopers na nais buuin ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Aniya, gagawin ang kanilang training sa Fort Santo Domingo, Sta. Rosa, Laguna at sa bagong bukas na training facility sa Batangas.