-- Advertisements --

Naging malaki umano ang epekto ng coronavirus outbreak sa tila pagkahati ng Estados Unidos dahil nagkaroon ng pagtatalo tungkol sa public health at kalayaan.

Halos 1,300 kaso na ang inihain sa US court na iniuugnay sa COVID-19.

Ang unang wave ng kaso ay nagmula sa mga kulungan at immigration centers. Nais kasi ng mga preso na maaga silang bigyan ng parole sanhi umano ng hindi maayos na sannitary condition sa kanilang pasilidad.

Kasama sa mga naunang pinalaya ay sina Paul Manafort, dating campaign director ni President Donald Trump, at si Michael Cohen, na dati ring abogado ni Trump. Habang ang iba naman ay hindi pinalad.

Nakiusap kasi ang gobyerno ng Amerika na harangin ang pagpapalaya sa 800 preso mula sa Elkton Federal Correction Institution sa eastern Ohio.

Ilang employees’ groups naman ang kinasuhan ang kanilang mga employers dahil sa pagnanais na paigtingin pa ang ibinibigay na proteksyon sa mga ito laban sa virus.

Maliban dito ay humingi ng mas marami pang masks. gloves at protective equipment ang isang samahan na nagre-represent sa mga nurse mula New York City.