soil erosion Malilipot Albay
-- Advertisements --
soil erosion Albay Malilipot

LEGAZPI CITY – Matapos ang ilang buwang pananatili sa evacuation center, magbibigay ang lokal na pamahalaan ng transitional shelter sa mahigit 100 pamilya na apektado ng malawakang soil erosion sa Barangay San Roque, Malilipot, Albay.

Ilang residente na rin ang nagpaabot sa Bombo Radyo Legazpi ng hinaing dahil hirap na sa pananatili sa designated evacuation center.

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Malilipot Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office head Engr. Alvin Magdaong, hinihintay na lamang ang isusumiteng pirmado na Memorandum of Agreement ng mga residente at local government unit (LGU) ngayong linggo.

Pagtitiyak lamang aniya ito na hindi na babalik sa 50-meter danger zone ang mga apektadong residente.

Kumikilos na rin ang LGU sa paglilipat sa mga ito sa ligtas na lugar at katunayan, nasa final stage na ang relocation site sa Barangay Iraya.

-- Advertisement --

Nag-realign naman ng pondo sa pagbibigay ng construction materials at pagkain sa mahigit 400 indibidwal habang nasa transitional shelter.

Maraming donors na rin ang naghayag ng karagdagang tulong sa mga ito kabilang na ang punong barangay na sinagot ang relocation ng nasa 20 pamilya.