Tinatayang nasa 10,122 katao o nasa kabuuang 2,928 pamilya ang inilikas dahil sa Bagyong Rosita mula sa apat na rehiyon.

Partikular na inilikas ang mga residente nakatira sa mga low-lying at coastal areas sa Region 1, 2, 3 at Cordillera Administrative Region (CAR).

Ayon kay National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC) Executive Director USec. Ricardo Jalad na wala naman silang naiulat na may mga residenteng nagmatigas na lumikas.

Sinabi ni Jalad, inilikas na rin ang mga residente na nakatira sa mga landslide prone areas lalo na sa may bahagi ng Benguet.

Sa ngayon, nasa 1,937 passengers, 189 rolling cargoes, 11 vessels at isang motorbanca ang stranded sa mga pantalan ng Southern Luzon, Western Visayas, Bicol at Norhern Luzon.

Kanselado rin ang nasa 24 na domestic flights at anim na international flights dahil sa masamang panahon.

Nasa 520 cities at municipalities mula sa Region 1, 2, 3, Calabarzon, Bicol, CAR at National Capital Region ang nagsuspinde ng klase nitong Martes.