BACOLOD CITY – Patay ang isang tinaguriang high value target sa illegal drugs ng Bacolod Police Station-8 makaraang pinagbabaril sa mismong kanilang bahay, kaninang madaling-araw.

Pinasok ng hindi nakilalang mga suspek at pinagbabaril ang biktima na si Rodelio Camento sa Purok Neptune, Brgy. Sincang Airport, Bacolod City, dakong ala-1:00 ng madaling araw.

Sinasabing sugat sa ulo, likod at beywang ang tinamo ng biktima.

Dinala pa ito sa Corazon Locsin Montelibano Memorial Regional Hospital ngunit binawian ito ng buhay alas-4:20 kanina.

Narekober sa crime scene ang isang empty shell ng .9mm pistol at isang granada.

Naniniwala naman ang Police Station-8 na may kinalaman sa iligal na droga ang pagpatay sa biktima.