-- Advertisements --

ILOILO CITY – Umaabot sa higit 1 million pesos na halaga ng shabu ang narekober sa isang high value individual (HVI) sa drug buy bust operation sa Commission Civil St. Brgy. Benidicto, Jaro, Iloilo City.

Ang arestado ay si Gian Paolo Riosa, 39, residente ng Poblacion Banate, Iloilo at pansamantalang nakatira sa Commission Civil St. Brgy. Benidicto Jaro, Iloilo City

Sa panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Police Lt. Col. Antonio Benitez Jr, Chief ng Regional Police Drug Enforcement Unit, sinabi nito na maliban kay Riosa, nahuli rin ang kasaman nitong durugista na si Sachicko Nakata,33, residente ng Brgy. Calumpang Molo Iloilo City

Nakuha sa kanilang posisyon ang 170 grams ng shabu na nagkakahalaga ng P1.1 million.

Sa ngayon nakakulong na si Riosa at Nakata sa Jaro Police Station at nahaharap sa kasong paglabag sa Section 10 at 11 ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2022.