NAGA CITY – Masuwerteng nakaligtas ang isang Grade 11 student matapos saksakin ng kanyang step father sa San Roque, Pili, Camarines Sur.

Kinilala ang suspek na si Dante Durante, 45-anyos.

Sa impormasyong nakalap ng Bombo Radyo Naga sa Pili-Philippine National Police, napag-alaman na bigla na lamang umanong sinaksak sa likod ang menor de edad ng kanyang ama-amahan sa loob ng isang pampublikong merkado.

Dahilan umano ito ang matagal nang hinanakit ng suspek sa biktima.

Kaagad namang isinugod sa ospital ang biktima dahil sa ito’y nasugatan, habang mabilis na tumakas ang suspek matapos ang insidente.

Sa ngayon, nagpapatuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad sa nasabing krimen.