Pumanaw na ang high-ranking clergyman sa Iran na si Ayatollah Hashem Bathaie Golpayegani matapos nitong magpositibo sa coronavirus.

Isa si Golpayegani sa 88 myembro ng Assembly of Experts, isa sa pinakamahalagang sangay ng gobyerno sa Iran na nagdedesisyon kung sino ang magiging pinuno ng naturang bansa.

Ilang matataas na pulitiko at religious personalities ang tinamaan din ng sakit habang ang iba sa kanila ay namatay na. Isa na rito ang bagong pulitiko na si Fatemeh Rahbar.

Sa ngayon ay halos 14,000 ang infected na ng coronavirus sa Iran habang 724 katao naman ang naitalang patay.