Reading Time: 1 minute

GENERAL SANTOS CITY – Bumaba sa kabundukan habang bitbit ang matatas na kalibre ng baril ang tatlong miyembro ng Guerilla Front Committee 71 na binubuo ng isang commanding officer, squad leader at medic.

Ayon kay 1002nd Brigade Comanding Officer Col. Adonis Bajao, nagtulung-tulong ang mga pastor para kausapin ang tatlo para sumuko sa otoridad.

Ang tatlo ay nag-operate sa bulubunduking bahagi ng Sarangani at Davao Occidental Province.

Mismong si Sarangani Governor Steve Chiongbian Solon ang tumanggap sa AK 47 assault rifle, M16 at carbine rifle ng tatlo na naiturn over naman sa mga sundalo.

Kaagad sumailalim sa proseso at evaluation ang tatlo para malaman ang kanilang partisipasyon sa New People’s Army (NPA) bago isailalim ang mga ito sa Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP) habang naghihintay ng maraming benepisyo mula sa gobyerno.

Matatandaang 17 ring miyembro ng NPA ang sumuko sa nagdaang buwan at nabigyan din ng karampatang benepisyo sa gobyerno.