Nakasungkit ng tatlong gintong medalya sa Weightlifting World Cup sa Rome, Italy si Olympic silver medalist Hidilyn Diaz.

Unang nabuhat nito ang 93kg, at sinundan ng 119kg. na may kabuuang 212 kgs. sa 55kgs. women’s category.

Pumangalawa naman sa kaniya si Kamila Konotop ng Ukraine na bumuhat na 196 kg at 90 kg na nakakuha ng dalawang silver habang sumunod naman si Kristina Novitskaia ng Russia na may nakuhang isang silver sa 109 kg lift.

Target ni Diaz na makapasok sa Tokyo Olympics sa Hulyo kung saan walong lifters ang maka-qualify na nakabase sa world points mula sa IWF Absolute Ranking na ilalabas sa Mayo.

Naging gold medalist si Diaz noong 2018 sa Asian Games at 2019 Southeast Asian Games.

-- Advertisement --