CENTRAL MINDANAO – Nagpalabas ng resolusyon ang city council ng siyudad ng Cotabato na inihain ni Councilor Fred Ridao para ideklarang persona non grata si City police director Col. Michael Lebanan.

Kasabay sa isinagawang sesyon ng sangguniang panglunsod, pinaburan ng mga city councilors ang resolusyon ni Ridao.

Kinuwestyon naman nina Councilor Bruce Matabalao at Councilor Butch Abo ang ligalidad ng resolusyon kung ano ang basehan nito.

Pero tumanggi si Ridao na magkomento sa pagdeklara ng persona non grata sa hepe ng pulisya.

Malaki naman ang paniniwala ni Matabalao na walang mabigat na dahilan ang city council na idiklarang persona non grata si Col. Lebanan.

-- Advertisement --