-- Advertisements --
DSWD REX GATCHALIAN

Hinimok ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang publiko na makiisa sa pamahalaan na protektahan ang mga nangyayaring pang-aabuso sa mga kabataan at mga vulnerable sector.

Ito ay kasunod na rin ng paglulunsad ng Council for the Welfare of Children (CWC) sa MAKABATA Helpline 1383.

Sa pamamagitan ng naturang helpline o hotline, umaasa ang Council for the Welfare of Children na matutugunan ang mga tawag o mga sumbong ng mga nakakaranas ng pang-aabuso at pananamantala.

Layunin ng naturang hotline na agad matugunan ang lahat ng sumbong, matapos itong itawag o ipaalam ng mga biktima o kaanak ng mga biktima.

Ang Council for the Welfare of Children ay isang attached agency ng DSWD na siyang tumututok sa kapakanan ng kabataang naaabuso.

Sa paglulunsad ng naturang hotline, umaasa ang ahensiya na mabibigyan ng lakas ang mga biktima na agad isumbong ang anumang nararanasang pang-aabuso sa kanila, at hindi nabubuhay sa takot.