Manhattan New York
Manhattan

Iniimbestigahan na ng New York Fire Department ang naganap na pagbagsak ng isang helicopter sa 54-storey na gusali sa Manhattan, New York.

Naganap ito sa AXA Equitable Center sa Seventh Avenue at West 49th Street.

Mabilis na pinalikas ng mga otoridad ang mga tao na nasa loob ng gusali.

Ayon sa ilang mga nakasaksi na nakaramdam sila ng pagyanig matapos ang nasabing pagbagsak.

Inaalam pang mabuti ng mga otoridad ang sanh ng insidente kung saan patay ang piloto nito.