-- Advertisements --

Pinatawan ng NBA ng $50,000 na multa si Miami Heat player Meyers Leonard.

Ito ay matapos ang ginawa nitong walang humpay na pagmumura habang naka-livestream at naglalaro ng video games.

Sinabi ni NBA Commissioner Adam Silver na hindi nila mapapalampas ang ginawa nito ng center ng Heat at ang masasamang salita ay walang lugar sa NBA.

Iginiit din ni Silver na hindi nila kinokonsinte ang ganitong mga gawain.

Nauna ng humingi ng paumanhin si Leonard sa nagawa nitong pagkakamali na ikinasakit ng mga Jewish community.

-- Advertisement --

Naglaro lamang ng tatlong beses noong Pebrero si Leonard at ito ay sumailalim sa shoulder stabilization surgery kaya hindi ito makakapaglaro ng ilang buwan.