Iginiit ni Heart Evangelista na wala pa itong anak.

Isa ito sa mga game na sinagot ni Heart mula sa mga nag-usisang fans na lalaki pa nga ang anak nito mula sa kanyang ex sa Davao.

Ayon sa 35-year-old socialite, kung totoong mayroon siyang anak ay hindi niya ipagkakait dito ang komportableng buhay at marahil ay matitigil na siya sa pag-shopping na para lang sa kanyang sarili.

“If I had a baby, I will definitely take care of them. I’d give them everything. Everything I have, I will share or I’ll even give them more. I’ll probably even stop shopping for myself,” saad nito sa kanyang YouTube video blog.

Nabatid na dalawang beses nang dumanas ng miscarriage o nakunan ang misis ni Gov. “Chiz” Escudero, kaya ipinapasa-Diyos na lamang kung makakabuo muli. Sa ngayon ay aalagaan muna nito ang kambal ng kanyang 51-year-old husband mula sa dating misis.

-- Advertisement --

Aminado naman si Heart o Love Marie sa tunay na buhay, na minsan na lamang sila magkasama ni Chiz pero hindi ito hadlang para sa hiwalay na kuwarto pa sila matulog.

Katunayan ay mabilis siyang natuto na mag-adjust sa naging set up nila ng dating senador.

“Ang selfish ko naman that just because I want him beside me, he has to ignore everybody na nakasalalay sa kanya so I have learned to let go. I’m very proud with what he does there and I totally get it and now I’m actually glad that I have more time for myself,” wika ni Evangelista-Escudero.

May payo rin naman ang socialite-actress para sa mga kababaihan na nasa isang “manipulative” na relasyon o ‘yaong kinokontrol ng kani-kanilang partner.

“If I’m miserable and my husband is the type that’s rich but demanding like, ‘you can’t do this, you can’t do that,’ kasi binubuhay ka niya, oh my god then ‘sa’yo na lahat ’yan noh. Saksak mo sa baga mo yung Birkin na ’yan. Basta nasa tama ka, ’pag umalis ka na sa bahay na ’yan, sa manipulative na mayaman, nako, you will achieve more in life because you will have all the freedom. You have your life and that’s the biggest wealth that you could start with first and everything else will come. Don’t ever be with anybody who controls you. It’s such a big turn off. You have to have a backbone, girl!”