Aminado si Heart Evangelista na magkahalong pagod at saya ang nararamdaman nito kaugnay sa pagbalik sa big screen partikular sa isang international action film.

Ayon sa 34-year-old actress-socialite, marapat lang na hindi nito palampasin ang mga dumarating na pagkakataon sa buhay kahit pa nanibago siya sa mga hininging requirements sa kasagsagan ng shooting.

“Nakakapagod (din) kasi iba rin yung hinihingi nila na requirements, fitness and overall. You only live once, try new things from time to time,” ani Evangelista.

Gayunman, hindi raw nito tiyak kung ang kanyang upcoming Hollywood movie bago mag-2020, ay ipapalabas din sa mga sinehan sa Pilipinas.

Una nang inamin ni Heart o Love Marie Ongpauco-Escudero sa tunay na buhay, na nag-audition din siya sa pelikulang “Crazy Rich Asians” na kinatampukan ng kapwa Pinay na si Kris Aquino.

-- Advertisement --

Gayunman, hindi raw siya pumasa kasabay ng pagtanggi na magiging kabilang na siya sa sequel ng naturang American romantic comedy film.