-- Advertisements --
Nananatiling nasa critical risk pa rin sa ngayon sa gitna ng COVID-19 pandemic ang healthcare utilization sa tatlong rehiyon sa bansa, ayon sa medical director ng One Hospital Command Center.
Sa Laging Handa briefing, sinabi ni Dr. Marylaine Padlan na ang mga rehiyon na ito ay ang Cordillera Administrative Region (CAR), Region 2 at Caraga.
Iyong mga nasa high-risk level ay kinabibilangan ng Region 4-B o Mimaropa, Region 5 at Region 9.
Hanggang noong Setyembre 30, aabot sa 138,294 ang bilang ng mga pasyenteng nagpapagaling pa rin sa sakit.
Sa naturang bilang, 77.7 percent ang mild cases, 15.8 percent ang asymptomatic cases, 2 percent ang severe cases, at 0.9 percent naman ang nasa critical condition.